Produksyon ng itlog sa Pangasinan, apektado ng lagay ng panahon

Nararanasan ngayon ang bahagyang pagmahal sa presyo ng itlog sa mga pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan dulot ng kakaunting suplay nito.

Dahilan din sa pagtaas ng presyo ng mga itlog ang idinagdag na P10 sa kada tray sa farm gate price nito.

Bunga nito, mabibili na ang retail price ng itlo sa P5.00 sa small size, P5.50 sa  medium at P6.00 sa large size.

Ayon naman kay dr. Eric Perez, Provincial Veterinarian Officer ng Pangasinan na apektado ng pabago-bagong panahon ang kalusugan ng mga manok maging ang mangingitlog ng mga ito.

Nahihirapan aniyang mag-adjust sa mga manok sa kondisyon ng panahon dahilan para mabawasan din ng produksyon ng itlog.

Speak Your Mind

*