Puganteng Koreano na sangkot sa phone scammer, arestado ng mga ahente ng BI

Naaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration ang isang puganteng Koreano na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato ng mga phone scammer.

Nahuli ang suspek na si Hang Seun Hun sa Adriatico Street, Malate, Manila.

Ayon kay Immigration Commisioner Jaime Morente, kasama si Hang at tatlong iba pang Koreano sa wanted list ng BI mula pa noong Agosto.

Ipapa-deport naman aniya sina Hang dahil mayroon aniyang arrest warrants ang mga ito na inilabas ng South Korean Court.

Speak Your Mind

*