Pulong ng ASEAN Leaders, sumentro sa isyu ng West Philippine Sea

Sumentro sa agawan sa teritoryo sa South China Sea ang meeting ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations.

Ito’y matapos ilabas ng pilipinas ang larawan ng mga barko ng China na diumano’y pa-sikretong gumagawa ng artipisyal na isla sa Scarborough Shoal.

Nangyari ang paglalabas ng larawan bago ang pulong ng mga leader sa Southeast Asia at ni Chinese Premier Li Keqiang.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, hindi naman naging tensyonado ang dayalogo sa pagitan ng Asean at China.

Pabor naman aniya si Duterte sa hirit ng China na simulan ang Framework Ng Code of Conduct sa South China Sea.

Nanawagan si Duterte ng kapayapaan sa pagitan ng ASEAN at ng China sa gitna ng sigalot sa teritoryo.

Speak Your Mind

*