RPO1, wala pang matibay na ibidensya laban sa mga personalidad na nag-uugnay sa drug matrix

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) Regional Office 1 na wala pa silang hawak na ibidensya na nag-uugnay sa mga personalidad ng pangasinan na nag-uugnay sa drug matrix sa New Blilibid Prison.

Kabilang na rito sina dating Gobernabor at ngayong 5th District Cong. Amado Espino Jr., bm raul sison at dating prov. Administator raffy baraan.

Sinabi ni PNP Regional Director Chief Supt. Gregorio Pimentel, na maituturing na historical ang pagkakaugnay ng naurang personalidad ngunit wala pa silang milinaw ng ibidensya.

Una rito, nagsagawa na ang inspeksyon ang Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) sa eco-tourism site at umanong planta ng black sand mining sa bayan ng Lingayen na kasama sa nabanggit sa drug matrix na nag-uugnay sa Cong. Amado T. Espino JR.

Ganundin ang isinagawang inspeksyon sa bahay, resort at iba pang pasilidad na pag-aari ni 1st District Congressman Jesus Celeste na kasama naman sa nabanggit na Narco-Politician ni Pangulong Duterte.

Speak Your Mind

*