Sarah Geronimo, ikinu-konsidera na gawin ang remake ng movie na”Do Re Mi”

Karangalan daw para kay Sarah Geronimo sakaling mabigyan ng pagkakataon na gawin ang remake ng movie na”Do Re Mi” kasama ang mga kaibigan na sina Rachelle Ann Go at Yeng Constantino.

Lumabas ang ideya matapos na mag-post si Rachelle sa instagram ng kanilang group photos.

Ayon kay Sarah, nang sinend sa kaniya ni Rachelle ang nasabing picture nila ay naisip niya agad na pwede silang gumanap sa remake ng Do Re Mi.

Siya aniya ang pwedeng gumanap sa role dati ni Mikey habang si Rachell naman sa role ni Regine at si Yeng naman sa papel ni Donna Cruz.

Samantala, sinabi naman ni Sarah na readyng-ready na siyang bumalik sa Showbiz after ng dalawang buwang pahinga.

Speak Your Mind

*