Seed Production Program, target naka-pagproduce ng mga high quality seeds

Nagpapatuloy ang Seed Production Program ng Office of the Provincial Agriculture (OPAG) sa layuning nakapag-produce ng mga high quality seeds sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Irene Estrada, Senior Agriculturist at Provincial Seed Production Program Coordinator ng OPAG, ang Seed Production Program ay pinangungunahan ng mga seed growers, seed inspectors, Bureau of Plant Industry-National Seed Quality Control Services, Regional Seed Coordinators at Agricultural Training Institute (ATI).

Sa ilalim aniya ng Seed Production Program ang mga magsasaka na kaanib dito ay magkakaroon ng limang araw na pagsasanay bago sila magiging Certified Seed Growers.

Ang mga basic requirement naman aniya ng mga seed growers na maaaring maging bahagi ng seed producer ay mga magsasaka na may sariling dalawa hanggang tatlong ektarya sakahan na nasa irrigated area.

Speak Your Mind

*