Sen. De Lima kinuwestyon ang parameter na ibinigay ng pamahalaan para sa UN-Rapporteur na bibisita sa Bansa

Matapos payagan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang UN Rapporteur na bumisita sa Bansa upang imbestigahan ang umanoy paglobo ng bilang ng mga nasasawi dahil sa kampanya laban sa droga, kinuwestiyon naman ni sen. Leila De Lima ang pagkakaroon ng rules sa pagbisita ng mga ito sa Bansa.

Matatandaang si sen. De Lima kamakailan ay naghain ng resolusyon na humihikayat sa pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs na imbitahan ang UN Rapporteur upang imbestigahan ang umanoy paglobo ng Extra Judicial Killings.

Ayon kay De Lima, anong klaseng imbestigasyon ang lalabas kapag ang pamahalaan ang magdidikta kung saang lugar lamang dapat tumungo at mga taong dapat kausapin ng mga UN Probers.

Ayon kay De Lima dapat maging malaya ang mga iimbitahang UN Rapporteur kung saan sila pupunta at kung sino ang mga taong gustong kausapin kaugnay sa pagpatay na nagyayari sa bansa na may kinalaman sa kampanya laban sa droga ng kasalukuyang Administration.

Speak Your Mind

*