Sen. De Lima nakiusap kay Pangulo Duterte na tigilan na ang paninira sa kanya

Nakikiusap si Senador Leila De Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte na tigilan na ang paninira laban sa kaniya.

Inamin ni De Lima na pagod na ito sa mga panggigipit na ginagawa sa kaniya ng Pangulo.

Ayon kay De Lima, baka daw may gusto sa kaniya ang Pangulo kaya hindi siya tinatantanan nito.

Sinabi ni De Lima na masyado ng mababa ang tingin niya sa Pangulo sa ginagawang pangha-harass sa kaniya.

Pinabulaanan din ni De Lima ang pahayag ni Duterte na sexual asset nito ang high profile inmate na si Jayvee Sebastian.

Gayunpaman, sinabi ni De Lima na magpapatuloy siya sa kaniyang pagtupad sa tungkulin bilang Senador.

Una ng inakusahan ni Pangulong Duterte si De Lima na isa umano sa Narco Politician na sangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison.

Speak Your Mind

*