Sen. Gringo Honasan, pinakakasuhan ng Office of the Ombudsman

Pinakakasuhan na ng Office of the Ombudsman sa sandiganbayan si Senador Gregorio Honasan kaugnay sa pork barrel scam.

Nag-ugat ang kaso sa maling paggamit umano ng Senador sa 29 Million pesos na kaniyang priority development assistance fund noong 2012.

Nabatid na inaprubahan ng Senador ang paglalaan ng kaniyang pork barrel sa pekeng NGO na focus Development Goals Foundation Inc., para sa implementasyon ng livelihood projects sa mga Muslim Community sa National Capital Region.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nabigo si Honasan na magsumite ng kaniyang counter affidavit sa imbestigasyon.

Speak Your Mind

*