Sen. Poe, nagpasalamat sa DepEd sa pagiging bukas sa panukalang maagang Christmas Break

Nagpapasalamat si Sen. Grace Poe sa pagiging bukas ni Department of Education (DepEd) Sec. Leonor Briones para sa panukala nitong early Christmas break.

Sa gagawing budget hearing ngayong umaga sa senado para sa DepEd, ilalahad ni Sen. Poe ang layunin nito sa hiling na early Christmas break.

Naniniwala kasi ang senadora na makababawas sa mabigat na daloy ngtrapiko ang maagang Christmas break sa lahat ng mga paaralan, upang hindi na sumabay sa holiday rush ngayong buwan ng Disyembre.

Paliwanag pa ni Poe na  habang naghahanap ng pangmatagalang solusyon sa trapik ang pamahalaan, ay kailangan ng suporta ng lahat ng Stakeholders na gagawin ang nararapat na aksyon  upang maibsan ang stress level ng publiko sa  tuwing sasapit ang holiday rush.

Speak Your Mind

*