Sen. Trillanes, iginiit na walang inconsistency ang pahayag ni Matobato

Nanindigan si Senador Antonio Trillanes IV na walang inconsistency sa mga pahayag ng testigo at nagpakilalang dating miyembro ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato.

Ito ang pahayag ni Trillanes sa kanyang privilege speech sa senado.

Kasabay nito, iprinesinta ni Trillanes ang mga dokumento na nagpapakita na totoo ang mga sinasabi ni Matobato.

Patunay aniya dito ang sinabi ni Matobato na siya ay grade 1 lamang habang sa NBI Affidavit ay nakalagay na siya ay grade 3.

Depensa ni Trillanes, maaaring hindi mismo si Matobato ang nagsulat ng Affidavit dahil hindi ito marunong bumasa.

Dagdag pa rito ang isang video na nagpapatunay na kinidnap ng mga kasamahan ni Matobato si Sali Makdum at maging ang pagpaslang sa ilang mga tauhan ni Matillano at retired General Jovito Palparan kabilang ang isang babaeng Barangay Councilor.

Speak Your Mind

*