Sen. Trillanes, may ebidensya si Matobato laban kay Pangulong Duterte

Tiniyak ni sen. Antonio trillanes IV na may maipapakita siyang ebidensiya at impormasyon na magpapatunay sa alegasyon ng self-confessed hitman na si Edgar Matobato laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa susunod umanong hearing ng senado kaugnay sa umano’y Etrajudicial Killings, sinabi ni Trillanes na ilalabas niya ang resulta ng isinagawa niyang sariling imbestigasyon.

Binira naman ni Trillanes ang mga kapwa senador na tila aniya naghahanap ng butas kay Matobato sa halip na alamin ang katotohanan sa sinasabi nito.

Iginiit rin ni Trillanes na hindi totoong tinuturuan si Matobato ng mga sasabihin nito sa nasabing pagdinig.

Speak Your Mind

*