Senado, hindi raw maiimbestigahan si Duterte sa DDS

Hindi magagawang maimbestigahan ng senado si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng umano’y Davao Death Squad o DDS.

Ayon kay Senador Richard Gordon, Chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights, ang maaari lamang mag-imbestiga sa Pangulo ay ang “Impeachment at Lower House”.

Matatandaang, sa isang privilege speech ay inihirit ni Senador Antonio Trillanes IV na imbestigahan si Duterte sa kaugnayan umano nito sa Davao Death Squad.

Speak Your Mind

*