Senador De Lima, hinamon ang DOJ na ipa-freeze ang mga umano’y bank account niya

Hinamon ni Senador Leila De Lima ang Department of Justice na ipa-freeze ang mga bank account na iniuugnay sa kaniya.

Ayon kay De Lima, wala siyang alam sa mga accounts na ito kaya walang mawawala sa kaniya.

Duda naman ang senadora na pagbibigyan ng bangko ang nais mangyari ng DOJ para sa mga acount holders.

Kailangan daw kasing patunayan ng petitioner na may kaugnayan nga sa illegal transactions ang naturang bank accounts at ang mga taong may-ari nito.

Speak Your Mind

*