Serena Williams, nabigo sa U.S Open Semis sa ikalawag sunod na taon

Bigong maipanalo ni Serena Williams ang kanyang laban sa U.S Open Semifinals kontra kay Karolina Pliskova ng Czech Republic.

Ito na ang ikalawang magkasunod na taon na natalo si Williams sa Semis ng U.S Open.

Nakadagdag din sa pagkatalo ni Williams ang tinamong knee injury noong quarterfinals.

Dahil dito, bigong makuha ni Williams ang ikapitong panalo at ika-23 major title overall.

Natuldukan na rin ang pagiging number one ni Williams sa Women’s Tennis Association at papalitan na ni world number two Angelique Kerber.

 

Speak Your Mind

*