Signal Jammer na ikinabit sa loob ng New Bilibid Prisons, pinagana na

Pinagana na simula kagabi ang dalawang malakas na Signal Jammer sa loob ng New Bilibid Prisons.

Inilagay ang nasabing jamming device sa building 14 ng maximum security compound para mapigilan na ang mga transaksyon na idinadaan sa cellphones.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, aabot sa dalawang milyong piso ang halaga ng bawat isang unit na nagmula pa sa Bansang Israel.

Subalit, tiniyak ng kalihim na walang gastos dito ang pamahalaan dahil donasyon lamang ang mga ito ng hindi na tinukoy na grupo

Speak Your Mind

*