Signal Jammers, ilalagay sa loob ng New Bilibid Prison

Dalawa pa umanong Advanced Signal Jammers ang ilalagay sa loob ng New Bilibid Prison sa susunod na linggo.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, ini-release na ng Bureau of Customs ang nasabing Signal Jammers at posible na aniya itong ikabit ngayong lunes o martes sa building 14 sa Bilibid kung saan narooon ang mga high profile inmates.

Nagkakahalaga rin aniya ng tig-dalawang milyong piso ang nasabing Signal Jammers.

Nilinaw naman ni Aguirre na hindi pamahalaan ang gumastos sa pagbili ng nasabing kagamitan kundi galing aniya sa isang good samaritan.

Speak Your Mind

*