Sistema ng Colombia sa paglaban sa ilegal na droga, gagayahin ng PNP

Gagayahin umano ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa ang ilang paraang ginagawa ng Bansang Colombia para ipatupad ang giyera kontra ilegal na droga.

Nagtungo sa Colombia si Dela Rosa para dumalo sa isang Press Conferrence tungkol sa droga’t terorismo na inorganisa ng U.S State Department.

Nakausap doon ni Dela Rosa si Colombian National Police Chief Jorge Hernando Nieto at natalakay nila ang problema sa drugs na kapwa kinakaharap ng Colombia at Pilipinas.

Ani Dela Rosa, maganda ang sistemang ginagawa ng Colombia na nagresulta sa pagbagsak sa isa sa pinakamalaking drug cartel noon na pinamumunuan ni Pablo Escobar.

Dagdag pa ng PNP Chief, imumungkahi niya sa kongreso ang ilan sa mga batas na umiiral sa Colombia.

Balik-bansa na si Dela Rosa matapos ang halos isang linggong pagbisita sa Colombia.

Speak Your Mind

*