SSS pension hike, aprubado na sa komite sa Kamara

Aprubado na sa House Committee on Government Enterprises ang panukalang taasan ang pensyon ng mga SSS Pensioner.

Labing limang panukala ukol sa SSS pension ang isinalang sa nasabing komite na karamihan ay nagsusulong ng dalawang libong dagdag pensyon.

Si bayan muna Representative Carlos Zarate ang nagmosyon para sa Omnibus Approval ng mga panukala na sinegundahan naman ni Sorsogon Representative Evelina Escudero.

Nababahala naman si SSS Vice President Gregory Ongkeko sa magiging epekto ng dagdag pensyon.

Sinasabing iikli ang actuarial life ng ahensya mula 2042 tungo sa 2025 kung walang dagdag kontribusyon.

Dahil dito, nagbabala si Ongkeko na kailangan nilang magtaas ng 1.5 percent sa kontribusyon kada taon.

Speak Your Mind

*