Talent Manager ni Charice Pempengco, nahaharap sa kasong Estafa

Nahaharap umano sa kasong Estafa ang Talent Management ng Singer na si Charice Pempengco dahil sa pagkansela ng mga dapat sana’y concert nito sa ibang Bansa.

Hindi daw kasi tumupad ang Cleverbox Events sa napagkasunduang concert ni Charice sa Rome, Dubai at Switzerland noong September 10-18 na mayroon na umanong paunang bayad na 400 Thousand bilang downpayment sa 1.6 Milyong pisong hininging Talent Fee daw para sa nasabing mga concert.

Pero wala pa daw natatanggap na kopya ng reklamo ang Cleverbox Events kaya hindi na muna raw sila magkokomento tungkol dito.

Hindi rin umano totoo na balak nang umalis ni Charice bilang talent ng Cleverbox Events dahil hanggang sa January 2017 pa raw ang kontrata nito.

Speak Your Mind

*