TV Actress Claudine Barretto, nagnegatibo sa drug test  

Nagnegatibo sa paggamit ng droga ang aktres na si Claudine Barretto.

Sa post sa social media ng malapit na kaibigan ni Claudine, makikita ang negatibong resulta sa lahat ng sampung illegal substance tulad ng shabu, ecstacy at cocaine.

Mukhang buwelta rin ang nasabing post sa lahat ng bashers ng aktres na nagsasabing drug addict ito.

Matatandaan kasing naging laman ng balita na drug addict umano si Claudine noong kasagsagan ng court battle nila ng dating asawa na si Raymart Santiago taong 2013.

Ibinunyag din ng kapatid nito na si Gretchen Barretto na gumagamit daw ng droga ang aktres kaya ito naospital taong 2011 dahil sa drug abuse.

Speak Your Mind

*