U.N Security Council, mariing kinundena ang missile test ng North Korea

Mariing kinundena ng United Nations Security Council ang pinakahuling missile test ng North Korea.

Nagbanta rin ang U.N Security Council sa posibilidad na bigyan ng kaukulang parusa ang Pyongyang.

Noong lunes ay nag-test fire ang North Korea sa tatlong ballistic missiles sa kasagsagan ng G20 summit sa China.

Ayon sa Secuirty Council, paglabag sa International Obligations ng North Korea ang paglulunsad ng ballistic missiles maging ang nuclear tests.

Nilagdaan naman ng lahat ng miyembro ng U.N Security Council ang dokumento kabilang na ang China na nag-iisang kaalyado ng North Korea.

Speak Your Mind

*