U.S Democrat Nominee Hillary Clinton, big winner sa unang U.S Presidential Debate

Naniniwala sina dating Ambassadors Jose Cuisia at Apolinario Lozada na si U.S Democrat Nominee Hillary Clinton ang panalo sa unang debate kaugnay ng U.S Elections.

Ayon kina Cuisia at Lozada, handa at ispesipiko ang mga sagot ni Clinton sa mga isyung tinalakay.

Pero kahit sino pa anila ang manalo sa eleksyon sa Nobyembre, hindi umano maaring isantabi ng Amerika ang Pilipinas dahil ito ang kanilang kaalyado sa timog-silangang Asya.

Gayunman, nakakabahala umano kung si Trump ang manalong Presidente ng Amerika.

Ayon kina Cuisia at Lozada, mas maganda ang “appreciation” ni Clinton sa pulitika ng Southeast Asia kumpara kay Trump.

Speak Your Mind

*