University Wide Mobile Blood Donation, isasagawa sa 9 campuses sa Pangasinan

Kasado na ang isasagawang University Wide Mobile Blood Donation ng Philippine Red Cross o PRC Pangasinan chapter sa siyam (9) na campuses sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Raymund Lim, Blood Donor Recruitment Officer PRC – Pangasinan Chapter sa panayam ng DZRD Sonhine Radio kung saan isasagawa ito sa buong buwan ng Septyembre.

Ang University Wide Mobile Blood Donation ay pangalaang beses ng isasagawa ng mga univesities sa layuning makalikom ng mas maraming stock ng dugo.

Kabilang naman sa mga nakahanay na Blood Donation Activity ng PRC ay gaganapin bukas September 8, sa Mary Help of Christian Theology sa San Fabian, September 13 sa Deped Pangasinan 1, September 14 sa Philippine College of sUrgeons, Sept. 5 sa PSU Bayambang, Sept. 9 sa PSU San Carlos City, Sept. 21 sa San Fabian LGU at PSU Lingayen, Sept. 23 sa Lyceum University at sa Sept. 28 sa Vergin Milagrosa University Foundation.

Speak Your Mind

*