Urban Aquaculture, tinututukan na umano ng D-A ayon sa BFAR

Tinututukan na umano ng Department of Agriculture (DA) ang Urban Aquaculture sa buong bansa sa layung bigyan ng karagdagang kabuhayan ang mga mangingisda.

Ito ang inihayag ni Dr. Westly Rosario, ang center chief ng BFAR–National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC), sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon kay Rosario, maliban sa dagdag kabuhayan ng mga residente ng nasa urban area kundi para magkaroon ng dagdag suplay ng pagkain kabilang na prouktong isda.

Isa ang lungsod ng Dagupan at Alaminos sa mga area sa Pangasinan sa may  magandang lugar para sa urban aqua-culture o pagpapalago ng aquaculture industry sa lalawigan.

Speak Your Mind

*