US Vessels, nakadaong na sa bansa para sa isasagawang Military Exercises

Tatlong U.S Vessels ang dumating kahapon sa Subic Bay para sa military exercises sa pagitan ng mga Amerikano at Pilipinong Sundalo.

Dumugtong ang USNS Washington Chambers, USNS Millinocket at USNS Bowditch sa US Vessel Frank Cable na una nang dumating sa bansa noong Setyembre a-dyis.

Ayon sa embahada ng Amerika, nasa kabuuang isang libo at apatnaraang U.S Service Members na nakabase sa Okinawa,Japan at limandaang miyembro ng Armed Forces of the Philippines ang lalahok sa Annual Bilateral War Games na tinawag na Philippines Amphibious Landing Exercise  o PHIBLEX.

Isa itong ship-to-shore exercise sa pagitan ng magkaalyadong bansa at nakatakdang ganapin sa October 4 hanggang october 12 sa iba’t ibang lugar sa Luzon.

Sasali rin sa nasabing war exercise ang iba pang US Vessels gaya ng USs BHR, USs Greedn Bay at USs Germantown habang ipapadala naman ng Pilipinas ang bago nitong strategic Sealift Vessel na BRP Tarlac.

Speak Your Mind

*