VP Robredo, iginiit na dapat maging maingat sa mga pahayag

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga opisyal ng pamahalaan na maging maingat sa mga public pronouncements.

Kasunod ito ng mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikina-insulto umano ni U.S President Barack Obama.

Ayon kay Robredo, nanghihinayang siya sa nangyari.

Pero umaasa siya na maaayos pa anuman ang naging epekto ng maaanghang na pahayag ni Duterte sa U.S Leader.

Binigyang diin din ni Robredo na dapat ay mas maging maingat sa kanyang statements hindi lang si Duterte kundi ang lahat ng nanunungkulan sa gobyerno.

Speak Your Mind

*