Welding metal fabrication, pinaka-indemand na trabaho ayon sa TESDA

Pinaka-maraming trabaho parin ang naghihintay sa mga Pangasinense ang mga nasa welding metal fabrication.

Ito ang inihayag ni Genevive Sanchez, Administrative Officer IV ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonhine Radio.

Ayon pa kay Sanchez, mataas din ang demand ng trabaho ng mga nasa heavy equipment operator at mga nasa construction sector.

Ngunit sinabi ni Sanchez na nakakalungkot lang dahil walang paaralan sa Pangasinan ang nagtuturo ng carpentry at masonry na kabilang sa construction sector.

Sa ngayon, mas marami aniya sa mga kumukuha ng kurso sa TESDA ang mga nasa tourism sector.

Speak Your Mind

*