2016 Juniors Level Science Scholarship Examination ng DOST, kasado na

Kasado na ang isasagawang Nationwide Simultaneous Examination para sa 2016 Juniors Level Science Scholarship ng Department of Science and Technology (DOST) sa darating na October 16, 2016.

Ito ay isang scholarship programs ng DOST kung saan ang makakapasa na mga regular junior college student ay magiging “iskolar ng bayan”.

Ayon kay alexa apostol, science research specialist ng dost-pangasinan, gagawin ang examination sa Koliheyo de Dagupan, PSU Urdaneta at PSU Lingayen kung saan nasa 309 ang nakatakdang sumailalim sa pagsusulit, pinaka-marami sa buong bansa.

Dagdag pa ni Apostol na sa kasalukuyan ay may tatlong scholarship programs ang ibinibigay ng dost batay narin sa R.A. 10612, R.A. 7687 at Merit Scholarships.

tatanggap naman ng financial assistance sa tuition at miscellaneous fee kasama na ang uniform, books at montly living allowance ang sinumang makakapasa na isasagawang examination para 2016 Juniors Level Science Scholarship ng DOST.

Speak Your Mind

*