Free legal service, inilunsad ng Napolcom para sa mga miyembro ng PNP

Naglunsad ngayon ang National Police Commission (NAPOLCOM) Region 1 ang free legal service para sa lahat ng miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nahaharap sa ibat-ibang kaso.

Ito ang inihayag ni Atty. Monday Samson, Officer-In-Charge ng Ilocos Norte sa panayam ng Sonshine Radio kung saan itinatag umano ito simula ng palakasin ng adminstrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-illegal drugs campaign.

Sinabi ni Samson na aminado ang komisyon na mahina o kinukulang ang legal services para sa PNP kayat napapanahon ang naturang programa para tulungan ang miyembro ng kapulisan.

Sa ngayon, nakapagtayo ng umano ang Napolcom ng branch office sa Pangasinan Provincial Police Office (PPPO) para na free legal service sa tulong narin ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Pangasinan Chapter.

Ang tinig ni Atty. Monday Samson, Officer-In-Charge ng Ilocos Norte ng National Police Commission (NAPOLCOM) Regional Office 1

Speak Your Mind

*