Ika-anim ng Negosyo Center ng DTI, binuksan sa bayan ng Bayambang

Binuksan na sa bayan ng Bayambang, Pangasinan ang pag-anim na Negosyo Center ng Department of Trade and Industry (DTI) na layong mapalakas ang mga Micro, Small, Medium Enterprises o MSMES sa bawat lokalidad.

Dahil dito, kabilang na ang bayan ng Bayambang sa mga lugar ng may Negosyo Center sa Pangasinan kabilang na ang bayan ng Mangaldan, Lingayen, Rosales, lungsod Dagupan, at Alaminos.

Ayon kay Marjury Loresco, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan, dahil sa mga binuksang Negosyo Center hindi na kailangan ng mga maliliit na negosyante na magtungo sa Dagupan para sa pagproseso ng mga dokumento.

Kabilang naman sa mga serbisyong inihahatid ng Negosyo Center ay ang pagpaparehistro, konsultasyon o impormasyong kailangan gaya ng mga pagsasanay at mga kaalamang pinansiyal, marketing at iba pa.

Speak Your Mind

*