Agri-business sector, kabilang na sa mabibinepisyuhan ng SETUP ng DOST

Mas pinalawak ang financial o funding assistance na ipinagkakaloob ng Department of Science and Technology (DOST) sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMES) sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Alexa Apostol, Science Research Specialist ng DOST-Pangasinan, sa pamamagitan ng kanilang banner program na Small Enterprises Technology Upgrading Program (SETUP).

Ayon kay Apostol, sakop na ng SETUP ngayon taon sa ilalim ng pamumuno ng bagong administrasyon ang mga nasa agri-business sector kung saan maaari nang nakahiram ng hanggang sa dalawang milyong piso para sa kanilang equipment at machinery na magagamit sa kanilang post harvest facilities.

Hindi naman umano nawala ang funding assistance sa lahat ng gustong mag-upgrade ng kanilang equipment, packaging and labeling, techical assistance and consultancy services, training, seminar and workshop para sa negosyante na nasa MSMES.

Speak Your Mind

*