Allwell Oraeme ng Mapua, muling itinanghal na MVP ng NCAA

Muling itinanghal na most valuable player para sa NCAA si Allwell Oraeme ng Mapua Institute of Technology.

Ito na ang ikalawang sunod na MVP title ni Oraeme.

Nakuha rin ni Oraeme ang Defensive Player of the Year matapos mag-average ng 16 puntos, league-best na 20 rebounds, at 2.4 blocks kada segundo sa isang laro.

Nagpapasalamat naman si Oraeme sa mga pagkilala pero umaasa itong malalagpasan ng koponan ang final four sa susunod na season.

Speak Your Mind

*