Anti-drug abuse program, inilunsad na ng DOH Region 1

Naglunsad na ang Department of Health (DOH) Regional Office 1 ng anti-drug abuse program kasunod sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Batay aniya sa tala ng DOH, umaabot na sa mahigit tatlumpot dalawang libo ang bilang ng drug surrenderies sa rehiyon habang nasa mahigit labinwalong libo sa Pangasinan hanggang nito lamang buwan ng Septyembre.

Ayon kay Dra. Herminigilda Salangad, ng DOH Region 1, mahalaga na magkaroon ng Drug Abuse Health Program lalot batay sa tala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) umaabot sa siyamnaput pitong porsyento ng mga barangay sa buong bansa ay drug infested.

Dahil dito, bukas na umano ang Treatment and Rehabilitation Center sa lungsod ng dagupan Para sa mga gustong sumailalim sa rehabilatasyon, nakahanda narin ang training para sa Community Base Rehabilitation Program ng DOH.

Speak Your Mind

*