Artificial insemination, paraan sa pagpaparami ng lahi ng kalabaw sa Pangasinan

Tuloy-tuloy ang programa ng Philippine Carabao Center (PCC) sa pagpapadami ng lahi ng kalabaw dito sa lalawigan ng Pangasinan na una nang naiulat na unti-unti ang nawawala ang lahi ng kalabaw.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Reynaldo Paneda, Artificial Insemination Coordinator ng PCC sa bayan ng Rosario La Union, na ito ay sa pamamagitan ang pagsasagawa nila ang artificial insemination.

Ayon kay Paneda, sa ganitong proseso ay nakatitiyak ang mga magsasaka na magiging maganda ang lahi ng kalabaw dahil mas malaki at mabilis lumaki ang anak ng kalabaw.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Paneda na sapat ang suplay ng simelya na kanilang ginagamit sa artificial insemination na may lahing bulgarian murrah buffalo na kanilang kinukuha pa mula sa lalawigan ng Nueva Ecija at Los Banos, Laguna.

Speak Your Mind

*