Barangay Skill Mapping ng TESDA, epektibo sa unang 100 araw ni Duterte

Epektibo ang unang isandaang araw ng pamumuno ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte partikular na sa mga ipinatupad na programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ito ang inihayag ni Engr. Manuel Wong, TESDA Provincial Director ng Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonsine Radio.

Ayon kay Wong, maraming mga bagong program ang nasimulan ng TESDA ngayong taon kabilang na rito ang Barangay Skill Mapping isang programa na nakatuon sa grass roots area.

Prayoridad din umano sa programa ng TESDA ang mga drug surrenderies na sumailalim sa skills training program sa tulong narin ng rekomendasyon ng PNP.

Siniguro naman ni Wong na may naghihintay na trabaho sa mga magtatapos ng mga isinasagawang training na tiyak na magbibigay ng dagdag pagkakakitaan.

Speak Your Mind

*