BFAR, nilinaw na nananatiling na red tide free ang Pangasinan

Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na walang nakataas na red tide alert sa mga lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng sonshine radio, sinabi ni Dr. Westly Rosario, ang Center Chief ng BFAR–National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) na batay sa pinaka-huling buliten na inilabas ng BFAR ay walang red tide toxin sa  western pangasinan.

Malaki aniya ang posibilidad na may pagkakamali sa lumabas na dahilan ng umanoy pagkaka-ospital ang isang pamilya sa dagupan dahil sa umanoy nalason sa kinaing tahong.

Ayon pa kay Rosario, malayo sa posibilidad na mayroon redtide ang mga lugar na malamit sa pangasinan, dahil ang red tide problem ay karaniwang tumatama sa samar leyte.

Dahil dito, tiniyak ng BFAR na walang dapat ikabahala ang publiko sa pagkain ng mga shellfish kabilang na ang tahon dahil nanatiling  red tide free ang Pangasinan.

Speak Your Mind

*