Biyahe ng Pasig River Ferry, limitado pa rin

Limitado pa rin ang biyahe ng Pasig River Ferry ngayong araw dahil sa mga nakahambalang na water lilies.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority, alas nwebe ngayong umaga, balik biyahe na ang Pasig River Ferry pero mula Guadalupe hanggang Intramuros lamang ito.

Kahapon ay sinuspinde rin ang biyahe ng Pasig River Ferry dahil na rin sa mga nakahambalang na water lilies.

Ayon sa MMDA, maglalabas na lamang sila ng abiso kung maibabalik na ang biyahe sa iba pang istasyon ngayong araw.

Speak Your Mind

*