Charter Change, sisimulan nang talakayin sa Kamara bukas

Sisimula nang talakayin ng House Committee on Constitutional Ammendments ang Charter Change bukas, Oktubre a-dose

Ito ay para sa pagbabago ng porma ng gobyerno tungo sa Federalismo.

Ayon kay Southern Leyte Representative Roger Mercado, Chairman ng naturang komite, kabilang sa kanilang iimbitahan sa pagdinig ay mga legal luminaries upang gabayan silang mga mambabatas sa pag-draft ng panibagong Saligang Batas.

Anya, inaasahang matatalakay kung saan idadaan ang pag-amiyenda sa konstitusyon kung ito ba ay sa pamamagitan ng constituent assembly o constitutional convention.

Dagdag pa ni Mercado, dahil sa nakatakdang pag-adjourn ng Kongreso para sa holloween break ay magpapatuloy ang pagdinig sa Nobyember 15, 16, 22 at 23.

Speak Your Mind

*