Dagdag sahod ng mga nasa minimum wage earner sa, epektibo na

Epektibo na ang wage increase o dagdag sahod na P27 ng mga manggagawa na nasa private sector simula nitong Oktobre 2 taong kasalukuyan.

Ito ang sinabi ni Engr. Engracio Bailon, hepe ng Department of Labor and Employment o DOLE-Central Pangasinan, kung saan ito na aniya ang pinakamataas na sahod na mula sa P253 ay magiging P280 na tatanggaping sahod ng mga manggagawa.

Depende naman ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa depende kung saan sektor sila kabilang gaya ng category na medium/inlarge, small at micro establishment.

Kasabay nito, binalaan ng DOLE ang lahat ng mga establisyemento na sumunod sa ipinapatupad na dagdag sahod dahil mahigpit na naka-bantay ang ahensya sa pamamagitan ng inilunsad na 24/7 hotline.

Speak Your Mind

*