Dalawang libong ektaryang sakahan sa Pangasinan, nataniman na ng mais

Umabot na mahigit dalawang libong ektaryang sakahan sa lalawigan ng Pangasinan ang natataniman ng mais ngayong planting season.

Ito ang inihayag ni Christina Sison, Agriculturist I, at Provincial Corn Program Report Officer ng Office of the Provincial Agricultue Office (OPAG) sa program Lakbay Agri sa Himpapawid ng DZRD Sonshine Radio.

Sinabi pa ni Sison na marami sa mga magsasaka sa bayan ng Sta. Maria, Pangasinan na buwan palang ng Septyembre ay nagtatanim na ng mais para maibenta nila ito sa mas mahal na halaga sa buwan ng Disyembre.

Pabor naman aniya ito sa magsasaka dahil pagdating ng buwan ng Enero ay maaari na silang muling makapagtanin ng mais.

Paalala naman ni Sison na hindi nila inirerekomenda ang tuloy-tuloy na pagtatanim ng mais dahil maaari na itong maapektuhan ang kalidad ng lupa at malaki rin ang posibilidad na pagmula ito ng peste.

Speak Your Mind

*