De lima at pitong iba pa, sinampahan ng kasong drug trafficking sa DOJ

Sinampahan ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ng kasong drug trafficking sa Department of Justice si Senadora Leila De Lima at pitong iba pa.

Ang pito ay sina Dating Justice Undersecretary Francisco Baraan, dating Bureau of Corrections Chief Franklin Bucayu, Colonel Wilfredo Ely, Joenel Sanchez, Ronnie Dayan, Jose Adrian Dera at Jaybee Sebastian.

Ayon kay VACC Chairman Emeritus Dante Jimenez, para sa kanila ay sobra-sobra ang ebidensya laban kay De lima at iba pang sinampahan ng kaso dahil sa pagkakapasok ng droga sa New Bilibid Prisons.

Ilang ulit naman nang itinatanggi ni De Lima na siya ang nasa likod ng pagpasok ng droga sa naturang kulungan.

Speak Your Mind

*