De Lima, kinuwestyon kung bakit sa DOJ isinampa ang kaso laban sa kanya

Kinuwestyon ni Senador Leila De Lima ang pagsasampa ng kaso ng Volunteers Against Crime and Corruption laban sa kanya sa Department of Justice.

Ayon kay De Lima, dapat ay sa Ombudsman inihain ang kaso sa sinasabing ginawa niya noong siya’y kalihim pa lamang ng DOJ.

Sayang lamang aniya ang oras ng complainants sa pagsasampa ng kaso sa DOJ dahil mas mabilis aniya ang magiging pag-usad ng kaso kung sa Ombudsman ito direktang isinampa.

Pero paniwala ni De Lima, posibleng sa DOJ isinampa ang kaso laban sa kanya dahil sa “teritoryo” ito ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na aniya’y “master of fakery”.

Dagdag pa ni De Lima, ang hustisya sa ilalim ni Aguirre ay peke.

Hinamon din ng senadora ang mga magsasampa ng kaso laban sa kanya na ihain ang mga ito sa Ombudsman na aniya’y tamang ahensya kaysa sa DOJ.

Speak Your Mind

*