De Lima, magsasampa ng “test” case laban sa immunity from suit ni Duterte

Magsasampa umano ng kaso si Senadora Leila De Lima laban kay pangulong Rodrigo Duterte na magsisilbing test case sa presidential immunity from suit nito.

Ayon kay De Lima, isasampa niya laban sa pangulo ang petition for the writ of amparo at petition for the writ of habeas data sa Korte Suprema.

Paliwanag ni De Lima, may pagkakataong hindi maaaring ma-invoke ang immunity from suit ng pangulo sa kanyang isasampang kaso.

Inakusahan pa ni De Lima si Duterte ng sobrang pag-abuso sa kapangyarihan dahil sa sobrang lawak aniya ng mga akusasyon nito sa kanya.

Pinag-iisipan din ng senadora na kasuhan si Duterte sa Ombudsman ng kasong graft, violation of conduct of public officials, disbarment, at civil actions for damages.

Speak Your Mind

*