DILG, abala sa ipinapatupad na NEO Program sa mga munisipyo at syuidad

Abala ngayon ang Department of Interior and Local Government o DILG sa pagbibigay ng libreng training ng mga bagong halal o mga new local elected officials sa bawat munisipyo at syuidad sa Pangasinan.

Inihayag ni Rhealiza delos Santos, Local Government Operations Officers II (LGOO) ng DILG-Pangasinan na ito ay sa ilalim ng kanilang NEO Program o Newly Elected Orientation Program”.

Sinabi pa ni Delos Santos, na lahat ng mga bagong Local Government Officials ay dadaan sa kanilang “capacity building activity” para ihanda ang mga ito sa kanilang gagampanang tungkulin.

Layun din umano ng isinasagawang NEO Program na turuan at makabuo ang mga LGU’S official ng kanilang executive at legislative agenda o ang tinatawag na captive agenda.

Samantala, abala din ngayon ng DILG sa kanilang Operation Listo Program kung saan katuwang dito ang pdrrmo at mga LGU’S sa layuning makamit na maging Disaster Resilient ang Pangasinan.

Speak Your Mind

*