DOH, umaasang mailabas ang EO sa smoking ban bago matapos ang Oktubre

Umaasa ang Department of Health (DOH) na mailabas ang Executive Order para sa nationwide ban sa paninigirilyo sa lahat ng pampublikong lugar  bago matapos ang Oktubre.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, umaasa silang maipalabas ang naturang e.o bago ang full implementation ng graphic health warnings law sa a-kwatro ng Nobyembre.

Dagdag pa ni Ubial, inatasan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na isama sa draft ng E.O ang dalawang mahalagang probisyon.

Kabilang dito ang gawing isangdaang porsyento smoke free environment ang bansa at ang mga designated smoking areas ay dapat malayo sa publiko.

Nais kasi ng pangulo na ipatupad kung ano ang nagawa niya sa Davao City.

Speak Your Mind

*