DOJ Secretary Aguirre, inaming hindi binigyan ng immunity si Sebastian

Ipinaliwanag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kung bakit hindi nila binigyan ng immunity si Jaybee Sebastian.

Ayon kay Aguirre, nang kanyang mabasa ang affidavit ni Sebastian ay sinabi niyang walang maibibigay na immunity ang DOJ.

Para rin kay Aguirre, sa tagal ng panahong driver ni De Lima si Ronnie Dayan, imposibleng hindi ito kilala ni Sebastian.

Pero paglilinaw ng kalihim, ang Kamara ang nagbigay ng immunity kay Sebastian.

Speak Your Mind

*