DOLE-Central Pangasinan, positibo na mawawakasan na ang ipinapatupad na endo

Positibo ang Department of Labor and Employment o DOLE na mawawakasan na ang ipinapatupad na 555, endo o end of contract at contraclization pagdating sa taong 2017.

Sa panayam ng DZRD Sonshine sinabi ni Engr. Engracio Bailon, hepe ng DOLE-Central pangasinan, na hanggat maaari ay maabot nila ang isandaan porsyento na wala nang kaso ng endo.

Dahil dito, puspusan umano ang isinasagawang ng assessment ng mga Labor Law Complience Officer ng DOLE sa mga rehistradong kumpanya sa Central Pangasinan upang ipaliwagang ang hinggil sa endo.

Handa naman umano ang DOLE na tulungan ang mga kumpanya na maresulba ang kanilang mga pagkukulang at ilang paglabag sa Labor Standard at Professional Safety and Health Standard.

Speak Your Mind

*