Donald Trump, pinabulaanan ang alegasyon ng panghaharass sa mga babae

Pinabulaanan ng kampo ni Republican Candidate Donald Trump ang panibagong alegasyon na nang-harass umano ito ng mga babae.

Ayon sa kampo ni Trump, gawa-gawa lamang ang nasabing report ng New York Times.

Dagdag pa ng kampo ni Trump, ang ulat ay para i-character assassinate ang kandidato.

Ayon naman sa kampo ng katunggaling si Democrat Candidate Hillary Clinton, nakakabahala ang ulat patungkol sa pangha-harass diumano ni Trump.

Sa naturang ulat, sinabi ng dalawang babae na hinarass sila ni Trump sa dalawang magkahiwalay na pagkakataon.

Speak Your Mind

*