Driver license card para sa backlog ng LTO, ibinibigay na

Kasalukuyan nang namamahagi ng driver license card o license id card ang Land Transportation Office (LTO) Udaneta City District Office.

Ayon kay Danny Martinez, hepe ng LTO-Urdaneta City District, ang lahat ng backlog sa pagre-release ng lisenya mula buwan ng Marso taong 2016 pababa ay prayoridad na nabibigyan ng license ID card.

Tiwala naman si Martinez na bago matapos ang taon ay makokumpleto na ang lahat ng backlog sa pamamahagi ng lisensya na una naring ipinatigil ng COA o Commission On Audit.

 

Samantala, inihayag naman ni Martinez na magkakaroon na ng dry-run ngayong araw ang LTO-Central Office sa pagpapatupad ng 5 years validity sa driver’s license, at inaasahan maipapatupad ito sa region 1 sa November 7, 2016.

Speak Your Mind

*